Martes, Pebrero 18, 2014

HANDOUT


ANG PANITIKAN NG REHIYON V
ni: Mike Angelo A. Obiña

PARTIDO STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Goa, Camarines Sur

 "Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan."                                                                                          -Arrogante,1983




Ang Bicol ay isang rehiyon sa Pilipinas na matatagpuan sa timog Luzon. Tinatatawag din itong Rehiyon V. Bikolano at Bikolana ang tawag sa mga tao rito.
Ang mga lalawigan na bumubuo sa rehiyon ay ang mga sumusunod:
  • ·         Albay
  • ·         Camarines Norte
  • ·         Camarines Sur
  • ·         Sorsogon
  • ·         Masbate
  • ·         Catanduanes







Ang Rehiyon V ay isang tangway.Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig. Dahil dito, ang mga pamayanang malapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda.






Bicol Express ay ang nakaagaw pansing pangalan ng isang pagkaing binubuo ng siling mahaba,gatang niyog, bagoong o laing, sibuyas, karne at bawang. Ito ay masarap. Ang pangalan at pakaing ito ay inaalay kay Cely Kalaw na siyang nakaimbento ng gayong luto para maging kahalong laing kaysa kainin lang itong mag-isa.

 May mga yamang mineral din ang rehiyong ito. Ang paracale sa Camarines Norte ay pangunahing tagapagmina ng ginto at tanso. Minimina rin sa ibang bahagi ng rehiyon ang marmol, pilak, bakal, karbon, chromite, manganese at abaka. Mayaman din ito sa mga magagandang tanawin tulad ng Bulkang Mayon ng Albay.



Panitikan

Narito ang ilang Panitikang Bikol;

               1.Bugtong (Patuod)           
                        2.Kasabihan(Tataramon)
3.Alamat
              4.  Awiting Bayan 
5.  Epiko


 Halimbawa ng Bugtong(Patuod)

Duwang Bulang Itom,
Harayoan an inabotan,
Dai man inapon…
Sagot: Mata

Halimbawa ng Kasabihan(Tataramon)

(Bikol)
An Masinaginsagin maanghit pa sa kanding
(Tagalog)
Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing

AWITING BAYAN

                                                             1.Dinusa 
                                                             2.Tolbon 
                                                             3.Diwata 
                                                             4.Sarangue,Dumangoy
                                                             5.Angoy, Tagulaylay 
                                                             6.Hoarasa
         
   





  EPIKO

IBALON 
           -ang tanyag na epiko ng Bikol patunay lamang na mayaman sa panitikan ang mga Bikolano.               
Si Fr. Jose Castaño ang nagtago ,nagpreserba at nagsalin sa wikang katila ng Ibalon.
Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang
makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castaño. Ang nasabing epiko ay
nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana.
Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga
Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway
ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa
Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

 Sanggunian: